Monday, August 16, 2010

World of Anime

 
ni Paula Mariel N. Santos

Ano ba ang Anime? Ang anime ay isang pabalbal na pananalita sa wikang Hapon. Ang kahulugan nito ay mga larawang gumagalaw na iginuhit. Ngunit ayon naman sa isang guro mula sa Bulacan State University, ang salitang anime daw ay nagmula sa salitang “Anima” na ang kahulugan ay kaluluwa. Siguro dahil sa pagbibigay buhay sa mga makukulay na iginuhit ng larawan.


          Kailan ba nagsimula ang Anime? Ang anime ay nagsimula at sinimulan noong ika 20 siglo, noong ang mga Hapon ay gumagawa ng mga pelikula at nag-experimento sa mga pamamaraan ng animasyon. Ang pinaka lumang anime ay napalabas noong 1917. Ito ay isang dalawang minutong clip ng isang samurai na sumubok sa kanyang bagong espada. Ang kauna-unahang anime na may salita ay ang CHIKARA FO ONNA NO YONO NAKA na pinalabas noong 1933.

          Ang anime ba ay isa ring Cartoon? Tinanong ko iyan sa ilang kabataan na anime addict at narito ang kanilang mga sagot. “HINDI!! Cartoon panget drawing at masyadong pambata, sa anime astigin ang strong effects maganda drawing!” .”Oo nga! Ang Cartoon walang kwento, sa Anime punong-puno!!”. Ang masasabi ko lang.. mali kayong lahat! Dahil ang lahat ng anime ay isa ring Cartoon. Mas tinatangkilik lamang talaga ang Anime, at masmalupet talaga ang anime! LOL


Bakit ba maraming gustong maging anime? Basahin ninyo ito, iisa-isahin ko. Una ang “crazy hair” okey, hindi lahat sa kanila ay may nakakalokang ayos ng buhok. Ngunit pag anime ang pina-uusapan mapapasok kaagad sa isip natin ang.. makakapal, mahahaba at makukulay nilang buhok na ang dulo ay animo kutsilyo sa tulis. Ang pangalawa naman ay ang “kickin wardrobe”. Dito rin sila sikat, ang patong patong na puruntong at kamiseta na magkakaiba ng kulay. Panghuli, “facial features” Naku! Ito ang klase ng muka na malabo munang makalimutan oras na makita muna. Ang matang malalaki, ang bibig at ilong na malilit. Ang katawan ng mga ito ay karaniwan ay payat. Ang cute ano? Kaya sino ang hindi gugustuhing maging anime ?


Ang unang anime na pinalabas sa Pilipinas ay ang .. tentenenen! SLAM DUNK! Akalain n’yo ‘yon. Maski ako nagulat. Ang akala ko kasi ay VOLTES V o kaya naman ay DAIMOS. Sayang.. yamu! Okey, okey, ang Slam Dunk ay isang Japanese manga na ginawa ni Takehiko Inoue. Lumbas ito sa Pilipinas noong 1995 sa istasyon ng ABC. Pero mas sumikat ang anime na ito nang ipinalabas sa GMA noong Mayo 6 2002.

          Taong nagpakasal sa isang anime.. Sus! Ang lupet ano ? parang joke! Seryoso po ako. Noong Nobyembre 22 noong nakaraang taon, isang hapon ang nagpakasal sa kanyang ‘’pinapangarap na babae.” Si Nene Anegasaki. Isang tauhan sa Video Game. Ang ngalan ng Hapon ay Sal 9000. Kakaiba ba ? wala nas iyang magagawa, dahil iyon lamang kasi ang maaring gamitin niya bilang asawa ni Nene. Paano sila ikinasal? Si Sal ay nagpuntang Guam upang maghanap ng Pari na maaaring magkasal sa kanila. Naikasal sila sa harap ng ilang kaibigan ni Sal, ngunit ang seremonya ay hindi din masasabing legal. Imposible nga naman. Ngunit may 35,000 katao ang pumirma sa isang online petition para maging legal ang pagpapakasal ng isang tao at two- dimentional na character. Hay naku.. parang isang kalokohan ano ? pagpapakasal sa isang makina at sasabihing pag-ibig ang nasapagitan nilang dalawa. Hmmn.. wala na tayong magagawa doon.



Ang Sampung Pinakapopular na Anime:
(sa pagitan ng
Marso 25 at 30)
 
1.     " Fullmetal Alchemist (TV))" 8.83 
 
 
2.   "Cowboy Bebop (TV)" 8.92
 
 
3.     "Death Note (TV)" 8.88
 
 
4.     "The Melancholy of Haruhi Suzumiya (TV)" 8.71
 
 
5.     "Spirited Away (pelikula)" 8.94
 
 
6.     "Neon Genesis Evangelion (TV)" 8.32
 
 
7.     "Princess Mononoke (pelikula)" 8.91
 
 
8.     "Elfen Lied (TV)" 8.48
 
 
9.     "FLCL (OAV) - Shikkoku no Hana" 8.23
 
 
10.   (TV)" 8.12


 
 
 
 Ang masasabi ko lang, kapag pumasok ka mundo ng anime .. sobrang lupet!Mahirap ng lumabas. Iikot lang ang mundo mo sa kanila. Hindi masukat ang kaligayahan kahit ikaw lang mag-isa. Kaya wag nating sisihin ang mga nahuhumaling dito dahil .. sobrang heaven ang maging ANIME ADDICT!

No comments:

Post a Comment