Tuesday, August 17, 2010

"May Nagtext!"

Mas marami nang pwedeng gawin ang mga kabataan sa ngayon. Mula sa pagffriendster, facebook, twitter, DOTA hanggang sa pagtetext. Maswerte nga ang mga kabataan ngayon dahil sa dulot ng teknolohiya ay napapadali ang mga bagay-bagay. Ngunit ngayon ay ginagawa na lamang libangan ang pagtetext kahit sa hindi importanteng mensahe. Kaya nagiging malaki ang epekto nito sa atin. Isang halimbawa na lamang nito sa panahon ngayon ay ang pagsilang sa mundo ng nauusong texting na tinatawag na jejetext ng mga Jejemon.Ano nga ba ang jejetext? Ang jejetext ay mga messages kung saan ay pinaglalaruan nila ang mga letra, numero at simbolo na bumubuo ng mga salita. Kadalasan ding mahirap basahin at intindihin ang ganoong mensahe. Kaya ito ay nagpapamalas sa ating bansa dahil sa pamamagitan nito ay humihina ang ating kaalaman sa wastong pag-iispel. Walang masama sa pagtetext dahil isa itong mabilis na paraan para makipag-ugnayan sa mga taong mahal natin sa buhay, ngunit huwag lamang natin itong abusuhin sapagkat malaking epekto ang naidudulot nito sa ating pag-aaral at sa ating pang araw-araw na buhay.

No comments:

Post a Comment