Tuesday, August 17, 2010

Gising Madlang People!

ni John Meek A. Rodriguez




Kabataan: Sa Bisyong Pagpupuyat

Bakit ngayon ang kabataan
Nalululong na sa kalokohan?
Laging nakikipagsapalaran
Walang magandang kinabukasan.


Pagpupuyat ngayon ay nariyan
Bagong bisyong kinagigiliwan
Kaakibat na raw nitong buhay
Akala mo naman naglalamay


Bakit ba gabi na nagtetext pa
Kung ito nama’y di mahalaga.
Kung gumising nama’y tanghali na
‘Yan tuloy titser nati’y galit na.


Eto pang nagpefacebook sa comp. shop
Walang inatupag kundi ka- chat..
Harvest din ng harvest sa Frontierville
Sa counter nama’y katakot na bill.


Magulang nati’y nag- aalala
Dis- oras ng gabi’y wala pa.
Imbis na tumulong sa bahay
Pagdating, sa kama agad nakaratay.


Bakit hindi gayahin bata noon,
Sa pag- aaral ay nakatuon.
Oras ay pinahahalagahan
Sa huli tagumpa’y makakamtan.


Sa pagtetext tayo ay umiwas
Sa ating gawai’y ‘wag tatakas.
Sumabak ka man sa pagpupuyat,
Para naman ‘to sa’yong pangarap.


Pagpupuyat: Bagong Bisyong Kinakaharap.

Pagpupuyat------- salitang puno ng pagsisikap. Kaakibat ng produktibong pag- aaral at trabahong walang humpay. Simbolo ng taong may pangarap. Parang guryon, pilit na pinapalipad maabot lamang ang hinahangad.

Walang taong lilisan ng di pa nakapagpupuyat. ‘Yan ang katotohanang hindi matatakpan ng kasinungalingan. Bata, matanda, dalaga, binata, may asawa o wala ay dadaan at ginagawa ang nasabing salita. Mapa noon hanggangngayon ito’y kinaugalian na at kasama na sa “ lifestyle” ng bawat isa. Isang patunay ang paglaki ng eyebag sa iyong mukha na parang “eyeliner” na sumabog dahil sa pag- iyak.

Noon, ang pagpupuyat ay may magandang kononatibo-------- positibo. Nangyayari dahil sa pag-aaral ng mga kabataan. Laging naglalagi sa bahay at sa aklat nakatutok magdamag. Kung hindi naman, gawaing bahay ang pinagtutuunan. Sa bukid gumagawa kasama ng itay at ginagabi na kung bumalik sa bahay.

Ngayon, dumaan ito sa proseso ng ebolusyon. At akalain mo, bagong bisyong kinaaadikan ng kabataan. ”Aba! Syempre kasama sa modernisasyon yan,” sabi ng karamihan. Isa sa sikat na rasyonalismo ng kabataan. “Imbis na humithit ng droga edi magpuyat na lang, good for the health pa,” banat pa ng iba. Mga taong dapat binabatukan ng magising sa kamangmangan. Sa lahat naman ng pwedeng sabihin hindi pa pinag- isipan. May halo pang katamaran. Ganyan ba ang tinaguriang “ Pag-asa ng Bayan? Nakakahiya naman kay Gat Jose P. Rizal kung babasahin ang kanyang likhang mga sulatin. Dahil sa hindi pagtitimbang ng katwiran ay napatunayan na totoo ang sinasabi ng ibang bansa tungkol sa atin.

Ayon sa iba’t- ibang aklat at mga website sa internet, hindi ito maganda sa kalusugan. Maaaring itong magbunga ng panlalabo ng mata at pagiging hirap sa pagbangon tuwing umaga hanggang sa kaugalian na natin ito. Bukod dito, ayon sa mga sikologo mas malaki ang pagkakataon na magkaroon ng daydreaming ang isang tao. Dahil kahit mulat ang ating mga mata, ang diwa naman natin ay lumilipad na. Depensa naman ng ibang mag- aaral ng kursong Sikolohiya ay maganda din ang paminsan-minsan na mag-daydream dahil nagdudulot ito ng kapreskuhan ng ating isip. Talima naman sa ating tinatalakay. Ang pinakabinibigyang-diin ay ang pagpupuyat.Ang istruktura, sanhi at bunga at magiong ang mga taong kasangkot dito.Sa katunayan, hindi naman masama ang pagpupuyat. Depende ito sa paggamit ng bawat isa. Hindi dapat abusuhin ang biyayang makakita. Ikaw din baka paggising mo bulag ka na.

Sa sulating ito, mithiing kong mabukas pa ang isipan ng kapwa ko kabataan sa mga kaganapang pumapaloob sa pagpupuyat. Hindi ito paraan upang hadlangan ang gawaing hindi dapat kinaaadikan bagkus ay magbigay at maglatag pa ng mga impormasyon makatutulong sa bawat isa. Marapat lamang na tandaan natin na ang mga bagay ay may kaangkupang epekto at dapat na inaayon sa panahon at mga gawain ang pagpupuyat

Cybersex: May Kita na, Madami Pang Nakikita

ni Manuel Nucum

Magsimula muna tayo sa depinisyon ng cybersex upang mas mabigyan natin ng linaw at mas maunawaan natin ang mga nakasaad sa paksa.At bilang panimula, ang cybersex ay napakasensitibong usapin na sumasaklaw sa iba pang uri ng diskusyon na maaaring makaapekto sa bawat indibidwal depende sa kanilang kultura’t paniniwala.At sa pinakasimpleng depinisyon nito, ito ay produkto ng modernong teknolohiya na binubuo ng iba’t ibang uri ng representasyon ng pagtatalik na ipinalalabas sa tinatawag na audio-visual na kasangkapan na tanging matatanda lamang, may asawa man o wala ang synag makakakuha ng mga benepisyo na dulot nito.
Sa pag-uunawa sa salitang “cybersex” at kung paano ito nagaganap, marapat lamang na mabigyan natin ng pansin ang istruktura at ang daloy ng mga kaganapan na pumapaloob dito.Maipapakita ito sa representasyong “ribbon” na kung saan ang kanang parte ay ang audience o ang taong tumatangkilik nito at ang kaliwang parte naman ay ang aktor o taong gumagawa ng akto sa harap ng kamera o maaari nama’y nabibiktima ng mga eskandalo.Distributor naman ang “nagtitirintas” ng ribbon sapagkat nagiging possible ang daloy ng proseso dahil sa pagpapalaganap nya ng mga audio-visual na materyales, ang pumapagitna sa ribbon.Sa medaling salita, pumapaloob sa isang cybersex ang tatlong indibidwal.Ang audience, actor at ang distributor idagdag na ang pinakamahalagang kasangkapan sa pagbubuo ng daloy nito.Ang audio-visual na materyales (computer, cellphone, MP4 player, DVD player, PSP, compact disc, malalaswang imahen ng mga comic at magazine atbp.)
Ngayong naipaliwanag na ang kahulugan ng salitang cybersex, gumawi naman tayo sa pinakapaksa ng akdang ito.Ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa bagay na tinatawag na cybersex o sa maikling salita child pornography.
Napakalaki ng epekto ng pag kahumaling ng mga kabataan sa cybersex maging ang paggamit sa kanila bilang mga aktor ng mga malalaswang palabas.
Una, apektado ang sikolohikal na kahulugan ng isang kabataan. Addiction o sobrang pagkahumaling (audience), pagiging agresibo (audience), trauma (actor) at kakulangan ng sosyal na pakikisalamuha (audience at actor) ang mga posibleng maging epekto ng pagtangkilik ng kabataan sa cybersex.Sa kaso naman ng child pornography, idagdag pa ay ang kawalan ng dignidad lalo na sa kababaihang karamiha’y nabibiktima nito.
Pangalawa, apektado ang pisikal na kahulugan ng kabataan.Hindi inaasahang pagbubuntis ng mga kabataang babae (actor o audience), pagkawala ng disiplina sa sarili (actor at viewer) at ang posibleng pagkakaroon ng STI o Sexually Transmitted Injection kagaya ng AIDS, hepatitis at iba pa sa murang edad ng ilan pa sa mga posibleng epekto ng cybersex sa kabataan.
At pangatlo, nawawalan ng maayos na karapatan ang bawat kabataang sangkot sa child trafficking na kung saan ginagamit ang bata sa anumang pinagkakakitaang bagay tulad ng pagbebenta at pagluluwas sa mga ito.Isa pang halimbawa ay ang puwersahang paggawa ng akto sa harap ng kamera idagdag pa ang pagmamaltrato at eskandalo.
Noong ika-17 ng Nobyembre 2009, inaprubahan ni Dating Pangulong Arroyo ang Anti-Child Pormography Act (ACPA) na nakapaloob sa Republic Act No.9775.Isinasaad nito na karapatan ng bawat kabataan na maprotektahan sila laban sa mga mapanuksong palabas at paggamit sa kanila bilang mga pormographic performers na nakakasama ng lubusan sa kabuuang pagkatao ng isang kabataan.
Ang mga kilalang organisasyon kagaya ng UNICEFF, Anti-child Pormography Alliance (ACPA), Akap Bata Philippines, Stairway Foundation, Council for the Welfare of Children, PREDA Foundation, Share A Child Movement, at Kabataan Consortium ay nagkaisa para sa Action Speaks Louder than Words Campaign na layong ipasa at aprubahan ang Bill sa Senado. (MAkikita sa imahen sa itaas ang simbolo ng kanilang kampanya.)
Hindi natin maipagkakaila na malaki ang naitutulong ng mga makabagong teknolohiya sa ating pang araw-araw na buhay.Kamakailan lang, iginawaran ng Nobel Peace Price ang internet bilang isa sa mga pinakamahalagang imbensyon ng ating panahon.Subalit hindi natin maipagkakaila na ang internet din ang nagdadala ng samu’t saring negatibong bagay at mga malalaswang panoorin na sa katunayan pa nga ay bunga ng kasamaan ng tao.Bagay na nakakaapekto sa pamumuhay ng bawat tao bata man o matanda.
Masaklap na malaman ng isang magulang ang matagal nang nangyayari sa kanyang anak.Walang malay na inaabuso at ang mas di katanggap-tanggap ay pinagkakatiwalaan pa ng mga malulupit na photographers.Oras na upang tanggalin ang pagpapahirap sa mga kabataan.Simulan natin sa ating sarili.Iwasan natin ang pagtangkilik sa mga pornograpiya.Burahin natin ang mga ito sa ating mga computers, cellphones, DVD players at iba pang audio-visual na materyales.Ibigay natin sa mga kabataan ang kanilang karapatan sapagkat sila ang siyang susunod na mamuuno ng ating bansang Pilipinas.

Sexting

Sexting
Sexting: Banta sa Moralidad ng Kabataan

Sex... text---- Sexting. Ang mga kabataan hindi lang pala lulong sa alak at sigarilyo, o sa mga online games kundi, sa sext- on- text o pakikipag- usap sa text ng nmga malalaswang salita. Na sa murang pag- iisip ay hindi aakalaing makagagawa ng mga ganoong bagay.

Ayon sa mga balitang internasyonal, maraming kabataan ngayon ang nagpapasahan ng mga malalaswang larawan sa pamamagityan ng cellphone. Dahil na rin sa modernisasyon at impluwensiya ng ibang bansa nagiging "liberated" na din ang mga kabataan sa Pilipinas.DIto pumapasok ang moral decadence o pagbaba ng moralidad ng isang tao.

Bunga nito, maaaring matuloy sa hindi magandang resulta at sumabak ang kabataan sa maagang pag- aasawa.O kung hindi naman ay pagiging adik sa sex. Ang birhenidad ay sagrado at hindi dapat ipagwalang bahala. Ito lang ang maipapamana ng mga kababaihan sa kanilang magiging asawa.

Pero bakit nga ba dumaraan ang mga kabataang nahuhumaling sa ganitong klase ng gawain? Sino ba ang may pagkukulang? O sadtyang naiimpluwesiyahan lang tayo ng makabagong panahon. Ang masama pa dito ay ito ang nagtutulak sa atin sa kapahamakan.

Tayong mga kabataan bilang pag- asa ng bayan ay dapat nating pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay-bagay na mas makabubuti para sa atin. At bilang Kristyano, Panatilihin nating malinis ang ating dignidad at karapatdapat sa mata ng Diyos

"May Nagtext!"

Mas marami nang pwedeng gawin ang mga kabataan sa ngayon. Mula sa pagffriendster, facebook, twitter, DOTA hanggang sa pagtetext. Maswerte nga ang mga kabataan ngayon dahil sa dulot ng teknolohiya ay napapadali ang mga bagay-bagay. Ngunit ngayon ay ginagawa na lamang libangan ang pagtetext kahit sa hindi importanteng mensahe. Kaya nagiging malaki ang epekto nito sa atin. Isang halimbawa na lamang nito sa panahon ngayon ay ang pagsilang sa mundo ng nauusong texting na tinatawag na jejetext ng mga Jejemon.Ano nga ba ang jejetext? Ang jejetext ay mga messages kung saan ay pinaglalaruan nila ang mga letra, numero at simbolo na bumubuo ng mga salita. Kadalasan ding mahirap basahin at intindihin ang ganoong mensahe. Kaya ito ay nagpapamalas sa ating bansa dahil sa pamamagitan nito ay humihina ang ating kaalaman sa wastong pag-iispel. Walang masama sa pagtetext dahil isa itong mabilis na paraan para makipag-ugnayan sa mga taong mahal natin sa buhay, ngunit huwag lamang natin itong abusuhin sapagkat malaking epekto ang naidudulot nito sa ating pag-aaral at sa ating pang araw-araw na buhay.

Monday, August 16, 2010

World of Anime

video
 
ni Paula Mariel N. Santos

Ano ba ang Anime? Ang anime ay isang pabalbal na pananalita sa wikang Hapon. Ang kahulugan nito ay mga larawang gumagalaw na iginuhit. Ngunit ayon naman sa isang guro mula sa Bulacan State University, ang salitang anime daw ay nagmula sa salitang “Anima” na ang kahulugan ay kaluluwa. Siguro dahil sa pagbibigay buhay sa mga makukulay na iginuhit ng larawan.


          Kailan ba nagsimula ang Anime? Ang anime ay nagsimula at sinimulan noong ika 20 siglo, noong ang mga Hapon ay gumagawa ng mga pelikula at nag-experimento sa mga pamamaraan ng animasyon. Ang pinaka lumang anime ay napalabas noong 1917. Ito ay isang dalawang minutong clip ng isang samurai na sumubok sa kanyang bagong espada. Ang kauna-unahang anime na may salita ay ang CHIKARA FO ONNA NO YONO NAKA na pinalabas noong 1933.

          Ang anime ba ay isa ring Cartoon? Tinanong ko iyan sa ilang kabataan na anime addict at narito ang kanilang mga sagot. “HINDI!! Cartoon panget drawing at masyadong pambata, sa anime astigin ang strong effects maganda drawing!” .”Oo nga! Ang Cartoon walang kwento, sa Anime punong-puno!!”. Ang masasabi ko lang.. mali kayong lahat! Dahil ang lahat ng anime ay isa ring Cartoon. Mas tinatangkilik lamang talaga ang Anime, at masmalupet talaga ang anime! LOL


Bakit ba maraming gustong maging anime? Basahin ninyo ito, iisa-isahin ko. Una ang “crazy hair” okey, hindi lahat sa kanila ay may nakakalokang ayos ng buhok. Ngunit pag anime ang pina-uusapan mapapasok kaagad sa isip natin ang.. makakapal, mahahaba at makukulay nilang buhok na ang dulo ay animo kutsilyo sa tulis. Ang pangalawa naman ay ang “kickin wardrobe”. Dito rin sila sikat, ang patong patong na puruntong at kamiseta na magkakaiba ng kulay. Panghuli, “facial features” Naku! Ito ang klase ng muka na malabo munang makalimutan oras na makita muna. Ang matang malalaki, ang bibig at ilong na malilit. Ang katawan ng mga ito ay karaniwan ay payat. Ang cute ano? Kaya sino ang hindi gugustuhing maging anime ?


Ang unang anime na pinalabas sa Pilipinas ay ang .. tentenenen! SLAM DUNK! Akalain n’yo ‘yon. Maski ako nagulat. Ang akala ko kasi ay VOLTES V o kaya naman ay DAIMOS. Sayang.. yamu! Okey, okey, ang Slam Dunk ay isang Japanese manga na ginawa ni Takehiko Inoue. Lumbas ito sa Pilipinas noong 1995 sa istasyon ng ABC. Pero mas sumikat ang anime na ito nang ipinalabas sa GMA noong Mayo 6 2002.

          Taong nagpakasal sa isang anime.. Sus! Ang lupet ano ? parang joke! Seryoso po ako. Noong Nobyembre 22 noong nakaraang taon, isang hapon ang nagpakasal sa kanyang ‘’pinapangarap na babae.” Si Nene Anegasaki. Isang tauhan sa Video Game. Ang ngalan ng Hapon ay Sal 9000. Kakaiba ba ? wala nas iyang magagawa, dahil iyon lamang kasi ang maaring gamitin niya bilang asawa ni Nene. Paano sila ikinasal? Si Sal ay nagpuntang Guam upang maghanap ng Pari na maaaring magkasal sa kanila. Naikasal sila sa harap ng ilang kaibigan ni Sal, ngunit ang seremonya ay hindi din masasabing legal. Imposible nga naman. Ngunit may 35,000 katao ang pumirma sa isang online petition para maging legal ang pagpapakasal ng isang tao at two- dimentional na character. Hay naku.. parang isang kalokohan ano ? pagpapakasal sa isang makina at sasabihing pag-ibig ang nasapagitan nilang dalawa. Hmmn.. wala na tayong magagawa doon.



Ang Sampung Pinakapopular na Anime:
(sa pagitan ng
Marso 25 at 30)
 
1.     " Fullmetal Alchemist (TV))" 8.83 
 
 
2.   "Cowboy Bebop (TV)" 8.92
 
 
3.     "Death Note (TV)" 8.88
 
 
4.     "The Melancholy of Haruhi Suzumiya (TV)" 8.71
 
 
5.     "Spirited Away (pelikula)" 8.94
 
 
6.     "Neon Genesis Evangelion (TV)" 8.32
 
 
7.     "Princess Mononoke (pelikula)" 8.91
 
 
8.     "Elfen Lied (TV)" 8.48
 
 
9.     "FLCL (OAV) - Shikkoku no Hana" 8.23
 
 
10.   (TV)" 8.12


 
 
 
 Ang masasabi ko lang, kapag pumasok ka mundo ng anime .. sobrang lupet!Mahirap ng lumabas. Iikot lang ang mundo mo sa kanila. Hindi masukat ang kaligayahan kahit ikaw lang mag-isa. Kaya wag nating sisihin ang mga nahuhumaling dito dahil .. sobrang heaven ang maging ANIME ADDICT!